Friday 14 March 2014


MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAG-UUGALI NG MGA BINATANG MAG-AARAL NA NASA UNANG TAON NG KOLEHIYO SA KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION

_______________________________________________________________________

Isang Sulating Pananaliksik
Na Iniharap kay
Bb. MarilouVitor
Ng Unibersidad ng La Salle-Ozamis City

_______________________________________________________________________

Bilang Bahagi ng Pagtupad
Sa Pangangailangan ng kursong
FILIPINO 2. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Nina
Arnel Sumaylo
Christian B. Saquin

Hannah Lil Tan

Marso 2014



TALAAN NG MGA NILALAMAN

Talaan ng mga Nilalaman…..…………………....………….……..………………………..i
Pasasalamat……………………………………………..………………………………...ii
Abstrak……………………………………………..…………………………………….iii
Tsapter I Introduksyon………………………………..……………………………….…1
            Rasyunal……………………………………….………………………….….......1
            Layunin .………………………………………………………………………….1
            Paglalahad ng Suliranin…………………………………..……………….…..….2
            Kahalagahan ng Pag-aaral………………………..…………………………...….2
            Saklaw at Limitasyon……………………………………………………….……3
            Dipinisyon ng mga Termino…………………………….………………..……....4
Tsapter II Kaugnay na Literatura……..………………………………………….…...….5
Tsapter III Metodolohiya……………………………………………………………...…8
            Paraan ng Pananaliksik………………………………………..…………….……8
            Mga Respondente…………………...……………………………………….…..8
            Instrumento sa pagkalap ng Datos……………………………………………….9
            Pagbuo ng Talatanungan………..………………………………………..…..……9
Tsapter IV Paglalahad, Pag-interpret at Pag-aanalisa ng mga Datos………………..…...10
Tsapter V Konklusyon at Rekomendasyon…………………………………….….……..16
Bibliograpiya……………………………………………………………………….…….18
Apendiks A……………………………………………………………………….……...21
Propayl ng mga Mananaliksik……………………………………………………….......22






PASASALAMAT

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong, gumabay at sumuporta sa amin. Kung hindi dahil sa inyo, hindi po namin magagawa ng matagumpay at maayos itong aming pag-aaral. Nais naming ipaabot ang pasasalamat namin sa lahat ng naging parte at tumulong sa amin upang mabuo ang pag-aaral na ito.
Sa mga Kaklase ko, maraming maraming salamat sa lahat ng nagawa at naitulong niyo sa amin. Salamat sa pagdinig at pagsagot sa aming mga tanong tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa aming Pamilya, salamat sa pagsuporta niyo sa amin sa lahat ng aming gawain. Salamat sa pagpapaaral niyo sa amin. Kung wala kayo ngayon, hindi kami makakapag-aral at marahil ay wala din kami ngayon dito sa Unibersidad na ito.
Kay Bb. Vitor, maraming salamat po sa lahat lahat ng naitulong mo sa amin. Maraming salamat sa paggabay mo po sa amin. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi magiging matagumpay at maayos ang pag-aaral na ito. Salamat po sa pagtuturo mo at sana po ay ipagpatuloy mo pa rin ang pagtulong sa amin kahit na hindi mo na kami magiging estudyante.
At panghuli, salamat ng malaki sa Panginoong Diyos. Dahil kung wala siya, ‘di naming matatapos ang pag-aaral na ito. Salamat sa pagbibigay Mo ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Salamat din po sa pag-asa at gabay na ibinigay mo sa amin.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Sana po ay patnubayan niyo pa rin kami sa susunod.

Mga Mananaliksik



ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailarawan at maipakita ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: Una, anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral? Pangalawa, anu-ano ang kabuuang porsyento ng mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral? Pangatlo, alin sa mga salik ang mas nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral?
Ang palarawang disenyo ang ginamit sa pag-aaral na ito. Sa tulong ng talatanungan, nakuha at nailarawan ng mga mananaliksik ang mga pananaw ng mga respondente.
Batay sa resulta ng pananaliksik, nakuha ang mga sumusunod na konklusyon: Una, ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral ay ang kapaligiran, pag-ibig at pera. Pangalawa, ang salik na kapaligiran ay may kabuuang porsyento na 66% samantalang ang pag-ibig naman ay may kabuuang porsyento na 34% habang ang pera ay nakakuha ng kabuuang porsyento na 42%. Pangatlo, ang salik na mas nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral ay ang kapaligiran dahil ang salik na ito ang nakakuha ng mas malaking kabuang porsyento na 66%. Pang-apat, ang tatlong salik na nabanggit ay nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral na pinatunayan ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik.



TSAPTER I
INTRODUKSYON
Rasyunal
Ayon kay Suarez (2011), ang mga kabataan noon ay masunurin, walang bisyo, magalang at maka-Diyos. Ngayon, hindi na magalang dahil pabalang na kung sumagot sa mga magulang, hindi masunurin dahil ang laging sagot ngayon ay "mamaya na" o kaya naman ay "saglit lang". Noon, isang tingin lang ng mga magulang sa kanilang anak tumatahimik na agad. Ngayon, halos lumuwa na ang mata sa pagtingin pero hindi pa rin masaway. Dati ang kabataan ay kusang nagmamano sa mga matatanda, magalang sa kapwa, maging sa tahanan ay may kusang pagkilos maging babae man ito o lalaki.  Malaki ang kontribusyon ng media sa nangyayari sa mga kabataan lalo na ang TV. Noong araw kukonti lang ang may TV, black and white pa - ala aparador.
Dahil dito, gusting malaman ng mga mananaliksik ang iba pang salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng kabataan lalong lalo na ang mga binata. Sa panahon kasi ngayon, may mga lalaking naging masungit sa ibang tao at mayroon ding mga lalaki na dati ay laging nag-aaral at ngayon ay parang wala ng pakialam sa kanyang buhay. Ang mga dahilan ng mga pagbabago ng pag-uugali ng kalalakihan ay tatalakayin sa pag-aaral na ito.
Layunin
Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
1.      Tukuyin kung anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral.
2.      Ilarawan ang mga epekto ng mga salik na maaring makaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral sa mga mambabasa.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman at maunawaan ng mga tao lalong lalo na ng mga mag-aaral sa Kolehiyo kung anu-anong mga salik ang nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral.
Ang mga sumusunod na katanungan ay ang mga inaasahang matugunan sa pag-aaral na ito.
1.      Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral?
2.      Ano ang kabuuang porsyento ng bawat salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral?
3.      Alin sa mga salik ang mas nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, guro, at mga magulang upang magkaroon ng isang malawak na kaalaman tungkol sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral na na nasa unang taon ng kolehiyo na kumukuha ng kursong BSBA sa La Salle University-Ozamiz.
Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sapagkat sa pamamagitan nito ay mababatid nila ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral na maaaring kaklase o hindi naman kaya ay kaibigan nila. Bukod dito, maaari din nilang malaman ang mga dapat gawin o sabihin sa mga binatang mag-aaral na may iba’t ibang pag-uugali.
            Guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na isinagawa ay malalaman nila ang mga maaaring gawin at sabihin sa kanilang mga binatang mag-aaral na maaaring naging o maging estudyante nila. Makakagawa sila ng hakbang kung paano matutulungan ang mga binatang mag-aaral na naaapektuhan ng mga salik na ito.
            Mga Magulang. Magsisilbi rin itong gabay sa mga magulang ng mga binatang mag-aaral na laging nandiyan para sa kanila. Dahil sila ang nakakakilala sa kanilang mga anak, mas madali nilang matutulungan ang kanilang mga anak na binata. Maauunawan nila ang mga dahilan kung bakit nagbabago ang kanilang binatang anak at mabibigyan din nila ito ng solusyon upang kahit papaano ay matulungan nila ang kanilang mga binatang anak. Mababatid din ng ibang magulang na dahil din pala sa pag-aaway nila kaya naaapektuhan at nagbabago ang pag-uugali ng mga binatang mag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
            Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga salik na nakakaapekto sa mga binatang mag-aaral na nasa unang taon sa Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Ang pananaliksik na ito ay hindi tumitiyak sa palahat na saloobin ng mga mag-aaral. Ito ay may kinalaman sa mga saloobin ng iilang binatang ma-aaral na nasa unang taon sa Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Gayunpaman, naniniwala ang mga mananaliksik na anumang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay hindi malayo sa mga saloobin ng iba pang mga binatang mag-aaral na naaapektuhan ng mga iba’t ibang salik.



Depinisyon ng Terminong Ginamit
Ang mga sumusunod ay ang mga terminong ginamit ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito:
Salik. Ito ay tumutukoy sa mga bagay o sitwasyon na nakakaapekto sa tao o bagay.
Alabok. Ito ay kasing kahulugan ng alikabok at abo.
Napuna. Ito ay kasing kahulugan ng nalaman, nabatid at natuklasan.
Pag-uugali. Ito ang panloob na karakteristik ng isang tao.
Bahagdan. Ito ay isang antas na nagpapakilala bilang isang numero kada isang daan. Ito ay sinusulat sa pamamagitan ng simbolong %.
Binata. Ito ay tumutukoy sa mga tunay na lalaki na nasa unang taon ng Kolehiyo sa kursong BSBA mula sa Unibersidad ng La Salle.


 

TSAPTER II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

            Ayon kay Merriam, ang pag-uugali ay tumutukoy sa paraan kung paano kumikilos ang isang tao at kung paano siya tumugon sa kanyang paligid.
            Ayon kay Meyer, et al. (1974), ang  karaniwang pag-uugali ng mga binatang may edad na labing-dalawang taong gulang ay ang pumunta sa kwarto, magkulong doon at makinig sa radyo pero paglipas ng anim na taon, nag-iiba na ang kanilang pag-uugali. Madalas nang lumipad ang kanilang isip sa iba’t ibang bagay. Nakikita nga pero ang utak naman ay nasa malayong lugar.
Ayon naman kay Zimbardo (1992), ang mga binata ay hindi gaanong komportable sa kanilang ina. Ang mga lalaki ay naaakit sa babae, ang presensya ng kanilang ina ay isang problema para sa kanila. Ang isang binata ay walang gaanong problema pagdating sa kanilang ama dahil may mga bagay na magkapareho sila at napapagkasunduan.
Dagdag naman ni Baker (1997), ang mga binata ay hindi gaanong nagsasalita tungkol sa kanilang emosyon o nararamdaman kung kaya ‘pag may problema sila, ‘di nila ito sinasabi sa kanilang mga magulang at kadalasan ay nawawalan ng control sa sarili. Ang isa pang ugali ng isang binata ay ang palaging tulala, ‘di mo malalaman kung ano ang iniisip nila. Marami din sa mga binata ang masikreto sa kanilang ina o sa mga babae pero nasasabi nila ito sa kapwa lalaki.
            Sinabi rin ni Loftus, et al. (1992) na ang ugali ng isang lalaki ay hindi katulad ng sa ibang lalaki. Bawat lalaki ay may kanya-kanyang pag-uugali. Ang mga ugaling ito ay nagkakaiba depende sa paligid na kinabibilangan nito at sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Ayon kay Freud (1897), ang pag-uugali ay isang panloob na karakteristik ng isang tao. Ang tao ay may iba’t-ibang pag-uugali na nakadepende sa kanilang paligid. Ang ugali ng kababaihan ay hindi pareho ng sa ugali ng kalalakihan dahil ang mga babae ay mahinhin, matulungin, mapagmahal, maunawain samantalang ang mga lalaki ay matapang, maprinsipyo, mapagmalaki at matigas ang ulo lalong lalo na ang mga kabataan. Halos mga negatibong pag-uugali na lamang ang naririnig ng mga tao tungkol sa mga lalaki pero ano nga ba ang tunay na dahilan sa pagbabago ng kanilang pag-uugali? Ang mga ugaling ito ay nagbabago dahil sa mga salik na nakakaapekto dito.
Ang kapaligiran ay isang salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng tao dahil ayon kay Bickhard (2005), ang kapaligiran o ang mga bagay o tao na nakapaligid sa isang tao ay siyang humuhubog sa pag-uugali nito. Hinuhubog ng kapaligiran ang pag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng mga pandama ng tao kagaya nalang ng kanilang mga naririnig at nakikita sa kanilang paligid. Ang kanilang mga nakikita o naririnig mula sa kanilang kapaligiran ay pwedeng makaapekto sa kanilang pag-uugali. Dagdag naman ni Loop (2010), ang pag-uugali ng isang tao ay maaaring magbago dahil sa ibat ibang impluwensya ng kapaligiran tulad ng mga impluwensya ng mga kaibigan sa isang tao. Kung ano yung pag-uugali ng kaibigan ng isang tao, maaari niya itong magaya lalong lalo na kung ito ang lagi niyang kasama dahil aakalain niya na ayos lang kung ganun din ang iasta niya sa iba kagaya ng ginagawa ng kanyang kaibigan.
Sinabi naman ni Angelie (2011), na ang pag-ibig ay nakakaapekto sa pag-uugali ng isang tao sa madaming paraan. Ang pag-ibig ay may kinalaman sa damdamin ng isang tao at ito ay maaaring makaapekto ng sobra sa pag-uugali ng isang tao dahil sabi nga ng mga matatalino, ang damdamin ay parang isang mabangis na hayop sa kagubatan na kailangang paamuhin upang maiwasan ang hindi makatwirang pag-uugali. Dagdag naman ni Wright (2002), ang mga negatibong damdamin tulad ng galit ay maaaring makaapekto sa pag-uugali ng isang tao sa negatibong paraan at ganun din ang mga positibong damdamin tulad ng saya at galak ay maari ding makaapekto sa pag-uugali ng isang tao sa positibong paraan.
Ayon naman kay Nauert (2008) na sa kabila ng materyalistik na konsepto na nauugnay sa kayamanan, ang pera ay isang mahalagang bagay sa buhay ng tao. May mga bagong pag-aaral na ipinapakita na ngayon na ang pera ay hindi lamang  isang bagay para sa pagkakaroon ng mga materyal, ngunit isang kadahilanan sa personal na pagganap, interpersonal na relasyon at pati na rin sa paghubog sa pag-uugali ng isang tao.





TSAPTER III 
METODOLOHIYA O PARAAN NG PANANALIKSIK

Paraan ng Pananaliksik
            Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng “descriptive research” o palarawang pagsusuri sa pagtuklas ng mga salik na nakakapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral kung saan ang talatanungan ang pinakamahalagang instrumentong ginamit sa pagkalap ng datos na magagamit sa pananaliksik na ito at inilalarawan  ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap. Gumamit din ng “purposive sampling” ang mga mananaliksik dahil ang mga respondente ay pinili at alam na ng mga mananaliksik kung sino ang mga respondente. Gumamit din ng “quantitative method” ang mga mananaliksik dahil ginamitan ang pag-aaral na ito ng mga numero at porsyento sa pagpapahayag ng mga datos na nakalap.
            Pinili ang mga paraang ito dahil ang pangunahing hangarin ng mga mananaliksik ay ang pagtuklas kung anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral at makakamit lamang ito nang mabilis kung gagamit ang mga mananaliksik ng mga nabanggit na mga paraan.
Mga Respondente
            Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng tatlumpong (30) respondente. Ang mga respondenteng ito ay mga binata na nasa unang taon pa lang sa Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration na nagmulasa La Salle University Ozamiz. Sa pamamagitan ng pagbigay ng mga talatanungan, natukoy ng mga mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral.



Instrumento sa Pagkalap ng mga Datos
            Ang pag-aaral na ito ay sinisiyasat sa pamamagitan ng talatanungan at tseklist. Sa paraang ito, madaling nakalap ang mga datos at impormasyong nakatulong sa pagpapakahulugan ng mga datos na ipinamigay sa mga napiling respondente upang sagutin at matukoy ang mga makabuluhan at detalyadong kasagutan. Ang pangunahing hangarin ng mananaliksik ay ang pag-alam sa mga mahahalagang impormasyon na naugnay sa mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral.
Pagbuo ng Talatanungan
            Ang mga mananaliksik ay bumuo ng kagamitang batay sa mga maaaring maging opinyon ng mga mag-aaral ukol sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral. Ang nabuong talatanungan ay pinasagot sa tatlumpong (30) respondente na nasa unang taon pa lang sa Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration na nagmula sa La Salle University Ozamiz.
            Ang talatanungan na gagamitin sa pananaliksik ay may bahagi. Ang unang bahagi ay pansariling datos ng mga respondente. Napapaloob dito ang pangalan at kurso ng mga napiling respondente.
            Ang ikalawang bahagi ay kinapapalooban ng mga tanong tungkol sa mga bagay o sitwasyon na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral. ito ay sasagutin sa pamamagitan ng pagtsek sa mga sagot na sa tingin nila ay tama at akma sa kanila.







TSAPTER IV

PAGLALAHAD, PAG-INTERPRET, PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Paglalahad ng mga datos
Sa ginawang sarbey ng mga mananaliksik sa tatlumpong (30) respondente, ang mga sumusunod ay ang mga datos na nakalap:
Kapaligiran
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
26
87%
Hindi
4
13%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.1: Frikwensi ng mga binatang nabu-bwiset kapag maingay ang paligid.
            Ayon sa Talahanayan 4.1, 87% sa mga binata ang nagsabing nabu-bwiset sila kapag maingay ang kanilang paligid habang 13% naman ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na marami sa kalalakihan ang nabu-bwiset kapag maingay ang kanilang paligid.
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
13
43%
Hindi
17
57%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.2: Frikwensi ng mga binatang nagagalit o naiirita kapag kinakausap sila ng taong hindi nila kilala.
            Ayon sa Talahanayan 4.2, 43% ng mga binata ang nagsabing nagagalit o naiirita sila kapag kinakausap sila ng taong hindi nila kilala habang 57% naman ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na marami sa kalalakihan ang hindi nagagalit o naiinis kapag kinakausap sila ng taong hindi nila kilala.
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
20
67%
Hindi
10
33%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.3: Frikwensi ng mga binatang naiinis kapag inuutusan sila sa bahay habang nag-aaral.
            Ayon sa Talahanayan 4.3, 67% ang nagsabing naiinis sila kapag inuutuusan sila sa bahay habang nag-aaral habang 33% naman ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na marami sa kalalakihan ang naiinis kapag inuutusan sila sa bahay habang sila ay nag-aaral.
Pag-ibig

MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
10
33%
Hindi
20
67%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.4: Frikwensi ng mga binatang naiinis kapag inuutusan sila sa bahay habang nag-aaral.
            Ayon sa Talahanayan 4.4, 33%  ng mga kalalakihan ang nagsabing naiinis sila kapag inuutusan sila sa bahay habang nag-aaral habang 67% naman ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na marami sa mga kalalakihan ang naiinis kapag inuutusan sa bahay habang sila ay nag-aaral.
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
16
53%
Hindi
14
47%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.5: Frikwensi ng mga binatang nawawalan ng konsentrasyon sa kanilang pag-aaral kapag mayroon silang hindi napagkakaunawaan ng kanilang kasintahan.
Ayon sa Talahanayan 4.5, 53% ng mga kalalakihan ang nagsabing nawawalan sila ng konsentrasyon sa kanilang pag-aaral kapag mayroon silang hindi napagkakaunawaan ng kanilang kasintahan habang 47% naman ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na marami sa kalalakihan ang nawawalan ng konsentrasyon sa kanilang pag-aaral kapag mayroon silang hindi napagkakaunawaan ng kanilang kasintahan.
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
5
17%
Hindi
25
83%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.6: Frikwensi ng mga binatang hindi pumapasok sa paaralan kapag hiniwalayan sila ng kanilang kasintahan.
Ayon sa Talahanayan 4.6, 17% ng mga kalalakihan ang nagsabing hindi sila pumapasok sa paaralan kapag hiniwalayan sila ng kanilang kasintahan habang 83% naman sa kanila ang nagsabing pumapasok pa rin sila sa paaralan kahit na hiniwalayan sila ng kanilang kasintahan. Nangangahulugan lamang ito na marami sa kalalakihan ang pumapasok pa rin sa paaralan kahit na hiniwalayan sila ng kanilang kasintahan.



Pera
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
12
40%
Hindi
18
60%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.7: Frikwensi ng mga binatang nagagalit sa mga magulang kapag binabawasan ang kanilang allowance.
Ayon sa Talahanayan 4.7, 40% ng mga kalalakihan ang nagsabing nagagalit sila sa kanilang mga magulang kapag binabawasan ang kanilang allowance habang 60% naman sa kanila ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na marami sa kalalakihan ang hindi nagagalit sa kanilang mga magulang kahit na binawasan ang kanilang allowance.
MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
11
37%
Hindi
19
63%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.8: Frikwensi ng mga binata na nawawalan ng ganang pumasok sa paaralan kapag kulang ang baon nilang pera.
Ayon sa Talahanayan 4.8, 37% ng mga kalalakihan ang nagsabing wala silang ganang pumasok kapag kulang ang baon nilang pera habang 63% naman sa kanila ang nagsabing pumapasok pa rin sila sa paaralan kahit na kulang ang baon nilang pera.



MgaSagot
Bilang
Bahagdan
Oo
15
50%
Hindi
15
50%
Kabuuan
30
100%
Talahanayan 4.9: Frikwensi ng mga binatang nababadtrip kapag wala silang pera.
Ayon sa Talahanayan 4.9, 50% ng mga kalalakihan ang nagsabing nababadtrip sila kapag wala silang pera at 50% din sa kanila ang nagsabing hindi. Nangangahulugan lamang ito na kalahati ng mga kalalakihan ay nababadtrip kapag wala silang pera at kalahati din sa kanila ang hindi nababadtrip kahit na wala silang pera.

            Makikita saTalahanayan na ito ang kabuuang porsyento na nakuha ng bawat salik.
MgaSalik
Bilang
Kabuuang Porsyento
Kapaligiran
59
66%
Pag-ibig
31
34%
Pera
38
42%
Talahanyan 4.10: Frikwensi ng mga binatang naapektuhan ng bawat salik.
            Ayon saTalahanayan 4.10, ang kapaligiran ay nakakuha ng kabuuang porsyent na 66%, ang pag-ibig naman ay may average na 34% samantalang ang pera naman ay may kabuaang porsyento na 42%. Nangangahulugan lamang ito na marami sa mga binatang mag-aaral ang mas naapektuhan sa salik na kapaligiran.




Pagkuha ng Kabuuang Porsyento ng Bawat Salik
            Pagsama-samahin ang bilang ng mga sumagot ng Oo sa tatlong tanong ng bawat salik at hatiin ang sagot sa 90 at i-multiply sa 100 upang makuha ang kabuuang porsyento na bawat salik.
Kapaligiran
 (26+13+20)÷3x100=66
AngKapaligiran ay nakakuha ng porsyento na 66%.
Pag-ibig
(10+16+5)÷3x100=34
Ang Pag-ibig ay nakakuha ng porsyento na 34%.
Pera
(12+11+15)÷3x100=42
Ang Pera ay nakakuha ng porsyento na 42%.

Nangangahulugan lamang ito na mas nakakaapekto sa mga binatang mag-aaral ang salik na kapaligiran kesa sa iba pang mga nabanggit na salik.











TSAPTER V
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Konklusyon
Mula sa isinasagawang masusing pag-aaral ng mga mananaliksik, ipinapahayag ang mga sumusunod na konklusyon:
1. Ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral ay ang kapaligiran, pag-ibig at pera.
2. Ang salik na kapaligiran ay nakakuha ng kabuuang porsyento na 66% samantalang ang pag-ibig naman ay may kabuuang porsyento na 34% habang ang pera ay nakakuha ng kabuuang porsyento na 42%.
3. Batay sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, ang salik na mas nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral ay ang kapaligiran dahil ang salik na ito ang nakakuha ng mas malaking kabuuang porsyento na 66%.
Napag-alaman din ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga salik ang pwedeng makaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral. Ang sumusunod ay ang mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral:
Kapaligiran, ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral na kung saan kadalasan sa kanila ay nabu-bwesit kapag maingay ang kanilang paligid, nagagalit at naiirita sila kapag kinakausap sila ng mga taong hindi nila kilala.
Pag-ibig, pangalawa sa mga salik na nakaapektosapag-uugalingmgabinatang mag-aaralna kung saankadalasansakanila ay nawawalan ng pokus at konsentrasyon sa pag-aaral sa kadahilanang mayroon silang hindi napagkaunawaan ng kanilang kasintahan. Dapat din nilang tandaan na hindi lang ang kanilang kasintahan ang pwedeng magmahal sa kanila dahil nandiyan naman ang kanilang pamilya na handing magmahal sa kanila.
Pera, pangatlo sa mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga binatang mag-aaral na kung saan nagagalit sila sa kanilang mga magulang kapag nababawasan ang kanilang baon o allowance sa pag-aaral at nawawalan rin sila ng ganang pumasok sa paaralan kapag kulang ang baon nilang pera.
Rekomendasyon
Dahil sa nakalap na mga datos, nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod sa mga binatang mag-aaral:
Una, huwag basta-bastang maiinis at magagalit kapag may kumakausap sayo na ibang tao. Pangalawa, huwag agad mabu-bwesit kapag masyadong maingay ang iyong paligid. Pangatlo, huwag agad mawawalan ng pokus at konsentrasyon lalung-lalo na sa pag-aaral kapag hinihiwalayan ka ng iyong nobya o ‘di kaya’y mayroon kayong hindi napagkakaunawaan. At ang pang-apat, huwag agad magagalit kung sakaling kulang o binabawasan ang iyong baon o allowance sa pag-aaral at lalong huwag mawalan ng ganang pumasok kung kulang ang baon mong pera.
Nirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa mga susunod pang mga mananaliksik na gumawa ng riserts o pag-aaral na may kinalaman sa pag-aaral na ito katulad nalang ng pag-aaral tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga dalagang mag-aaral sa Unibersidad ng La Salle o hindi naman kaya ay gumawa sila ng pag-aaral tungkol sa kung papaano magagabayan o matutulungan ang mga mag-aaral na naaapektuhan ng mga salik na nabanggit.





BIBLIOGRAPIYA

Alexander, R. (1979). The Evolution of Human Behavior: The Darwinian Revolution Continued. Retrieved on March 14, 2014 from http://faculty.education.illinois.edu/g-cziko/twd/pdf/twd08.pdf
Anonymous (2010).Environmental Effects on Personality. Retrieved on February 4, 2014 from http://personalitycafe.com/debate-forum/11080-environmental-effects-personality.html
Anonymous (2012).Kababaihan Psychology Tungkol Lalaki – Paano Upang Intindihin Lalaki ng Ugali. Retrieved on january 19, 2014 from http://www.philstar.com/para-malibang/2013/02/01/903403/nakakairitang-ugali-ng-mga-lalaki
Anonymous (2013).Nakakairitangugalingmgalalaki. Retrieved on January 23, 2014 from http://www.philstar.com/para-malibang/2013/02/01/903403/nakakairitang-ugali-ng-mga-lalaki
Baker, S.P (1997). Psychology: Perspectives on Behavior. Psychology 9: 8-11.
Bickhard, M. (1980). How Does the Environment Affect the Person? Retrieved on January 17, 2014 from http://www.lehigh.edu/~mhb0/EnvtoPerson.pdf
Cherry, K. (n.d.). Attitudes: How Attitudes Form, Change and Shape Our Behavior. Retrieved on March 14, 2014 from http://psychology.about.com/od/socialpsychology/a/attitudes.htm
Feinaurer, J. (2013). Does money corrupt? A controversial study explores the effects of money on human behavior. Retrieved on February 7, 2014 from http://www.deseretnews.com/article/865583328/Does-money-corrupt-A-controversial-study-explores-the-effects-of-money-on-human-behavior.html?pg=all
Gregoire, C. (2013). How Money Chabges The Way We Think And Behave. Retrieved on February 28, 2014 from http://www.huffingtonpost.com/2014/01/06/psychology-of-wealth_n_4531905.html
Loop, E. (n.d.). Social Influences on Human Behavior.eHOW. Retrieved on January 21, 2014 from http://www.ehow.com/info_8510709_social-influences-human-behavior.html
Meyer, L.S., and Grossen, N. (1974). Behavioral Research theory, procedure, and design.Psychological Research. pp. 22-26.
Nauert, R. (2008). Money Influences Behavior More Than We Think. Psych Central. Retrieved on March 9, 2014, from http://psychcentral.com/news/2008/07/10/money-influences-behavior-more-than-we-think/2586.html
Oddman (n.d.). How do Emotions Affect Human Behavior? Retrieved on January 12, 2014 from http://science.blurtit.com/599070/how-do-emotions-affect-human-behavior
Rana, H. (1997). Sigmund Freud. Retrieved on January 26, 2014 from http://www.muskingum.edu/~psych/psycweb/history/freud.htm
Skinner, B.F. (1984). The Evolution of Behavior. Journal of The Experimental Analysis of Behavior. Retrieved on March 14, 2014 from http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1348035/
Suarez, W. (2011). Kabataan noon at ngayon. Retrieved on March 13, 2014 from https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=222313317809852&id=146488332059018
Wright, M. (n.d.). How Do Your Emotions Affect Your Behaviors? Retrieved on February 27, 2014 from http://www.ehow.com/print/how-does_4600645_emotions-affect-behaviors.html
Zimbardo, P.G. (1992). Psychology and Life.Psychology Thirteenth Edition. United States of America. pp. 16-17.









APENDIKS A
Talatanungan
Pangalan:
Kurso:

Panuto: Lagyan ng tsek ang bilog na katabi ng OO kung tama at ganun din sa HINDI kung mali .
  
MgaTanong
Kapaligiran
1.      Nabu-bwiset ka ba kapag maingay ang paligid?
O  Oo              O  Hindi
2.      Nagagalit o naiirita ka ba kapag kinakausap ka ng taong hindi mo kilala.
O  Oo              O  Hindi
3.      Naiinis ka ba kapag inuutusan ka sa bahay habang nag-aaral?
O  Oo              O  Hindi
Pag-ibig
1.      Naiinis ka ba kapag binasted ka ng iyong nililigawan?
O  Oo              O  Hindi
2.      Nawawalan ka ba ng konsentrasyon sa pag-aaral kapag mayroon kayong hindi napagkaunawaan ng iyong kasintahan?
O  Oo              O  Hindi
3.      Hindi ka ba pumapasok sa paaralan kapag hiniwalayan ka ng iyong kasintahan?
O  Oo              O  Hindi
Pera
1.       Nagagalit ka ba sa mga magulang mo kapag binabawasan nila ang allowance mo?
O  Oo              O  Hindi
2.       Wala ka bang ganang pumasok sa paaralan kapag kulang ang baon mong pera?
O  Oo              O  Hindi
3.       Nababadtrip ka ba kapag wala kang pera?
O  Oo              O  Hindi





PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Sumaylo, Arnel
Edad: 17 taonggulang
Tirahan: P- Green Valley, TinagoOzamiz City
Kurso: BLIS-1
Kasarian: Lalaki
Magulang:
                        Ama: Romeo L. Hipanao
                        Ina: Ailyn S. Hipanao
Edukasyon:
                        Elementarya: Ozamiz City Central School
                        Sekondarya: Brother Martin Simpson Laboratory School
                        Tersyarya: La Salle University


Motto:


“Mas mabuti ng mabigo sa paggawa ng isang bagay
Kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”





PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Saquin, Christian B.
Edad: 17 taonggulang
Tirahan: P- Bonifacio, Bacolod Ozamiz City
Kurso: BSBA-1
Kasarian:Lalaki
Magulang:
                        Ama: Noel M. Saquin
                        Ina: Gina B. Saquin
Edukasyon:
                        Elementarya: Bacolod Elementary School
                        Sekondarya: Ozamiz City National High School
                        Bokasyonal: Ozamiz City Technical and Vocational School (OCTAVS)
                        Tersyarya: La Salle University


Motto:


“Huwag mo nang gawin bukas ang mga bagay na
pwede mo namang gawin ngayon”






PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Mamowalas, Mohaemen M.
Edad: 20 taong gulang
Tirahan: P- Madanihon, Tinago Ozamiz City
Kurso: BSBA-1
Kasarian: Lalaki
Magulang:
                        Ama: Alexander L. Mamowalas
                        Ina: Caya L. Mamowalas
Edukasyon:
                        Elementarya: Ozamiz City Central School
                        Sekondarya: Guinaro Memorial National High School
                        Tersyarya: La Salle University


Motto:


“No Man is an Island”





PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Tan, Hannah Lil
Edad: 18 taong gulang
Tirahan: P-2 Malingao, Tubod, Lanao Del Norte
Kurso: BSBA-2
Kasarian: Babae
Magulang:
                        Ama: Alfonso B. Tan
                        Ina: Liliane Tan
Edukasyon:
                        Elementarya: Malingao Central Elemntary School
                        Sekondarya: Agusan National High School
                        Tersyarya: La Salle University


Motto:


“It’s better to TRY and FAIL than to FAIL without TRYING”

No comments:

Post a Comment